Kung tila perfect ang buhay ni Nadine Lustre mula sa kaniyang aesthetic Instagram feed hanggang sa kaniyang makulay na career, puwes may pag-amin na ang aktres.

Sa panayam ng aktres sa isang YouTube feature ng Cosmopolitan Philippines, isang rebelasyon ang ibinahagi ni Nadine na para sa kaniya’y maaaring hindi alam ng marami.

“I guess that I am a clutterhead,” saad niya sa pagtukoy ng magulo ring pagpapasya sa buhay, mga isipin, bukod sa iba pa.

“Because I feel like people see me as someone very composed; someone who knows what she wants. I’m actually the total opposite of that,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

True nga naman, kilala ang aktres bilang isa sa mga fashion peg sa bansa. Bukod pa rito, isang goal din ang consistent mood, at creative style ni Nadine sa kaniyang Instagram content.

“Kasi people, when they see my Instagram and they’re like, ‘you’re so creative, you’re so put together.’ I’m actually not. I’m actually all over the place especially right now,” kaswal na pagpapatuloy ni Nadine.

“I don’t know what I want. You ask me what I want to eat. I don’t know. It’s not simple. It’s not that simple,” pagtatapos niya.

Samantala, nasagot din ng aktres ang pinaka-nakakalokang intrigang narinig niya sa tanang career, ang taun-taon na lang niyang pagbubuntis umano.

“This happens every year. I don’t know why, I don’t know how. People just decide that I am pregnant every year. I don’t even look like it,” natatawang sey ng aktres.

“I mean, if I am pregnant though, I would happily announce it to the world. Sadly, guys, I’m not pregnant and I’m not pregnant every year,” pagtatapos niya.

Basahin: Nadine Lustre, dedma pa rin sa planong magkaanak: ‘Paano ko sila bubuhayin?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid