Makalipas ang 99 taon mula nang isilang, sa wakas ay nakuha na ni 'Lola Panyang' mula sa Aguilar, Pangasinan, ang kaniyang birth certificate sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ipinanganak si Lola Estepania Descalzo o “Lola Panyang” noong 1923 at nakapagparehistro lamang ng kaniyang kapanganakan noong Disyembre 2022 sa pamamagitan ng Philippine Identification System (PhilSys) Birth Registration Assistance Project (PBRAP) of PSA at sa inisyatiba ng Local Civil Registry Office of Aguilar.

Ayon sa anak ni Lola Panyang na si Carmelita Bravo, Descalzo, hindi naiparehistro agad ang kaniyang ina ng mga magulang nito noong siya ay bata dahil abala raw ang mga ito sa kanilang bukirin na siyang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.

Nasa 18-anyos naman umano si Lola Panyang noong 1941 nang ikasal siya. Nang mga panahon iyon, hindi pa raw istrikto at hinahanapan ng government requirements sa kasal tulad ng birth certificate. Hanggang sa ngayon na lamang ito nakapagprehistro.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bilang pinakamatandang benepisyaryo ng programang PBRAP, personal na inihatid ng l mga opisyal at empleyado ng PSA Regional Statistical Services Office 1 (RSSO 1), PSA Pangasinan, at ng lokal na pamahalaan ng Aguilar ang Certificate of Live Birth (COLB) ng Security Paper (SECPA) ni Lola Panyang sa tirahan nito.