MABALACAT CITY, PAMPANGA -- Isa pang drug den ang dinispatya habang limang drug suspect ang arestado sa Barangay Dapdap, ayon sa ulat nitong Linggo.

Ang entrapment operation ay nagresulta din sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang Php 103,000.00 ng crystal meth (shabu).

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon ang mga naarestong suspek na sina Jay Elced Fausto, Peter Canyon, Kausie Manuel, Karl De Vera, at Juan Ordeniza.

Nakuha sa mga nahuling suspek ang tatlong heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng mahigit kumulang 15 gramo na nagkakahalaga ng Php 103,500.00; sari-saring gamit sa droga; at ang buy-bust money.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isinagawa ang operasyon matapos ang isang linggong surveillance ng pinagsamang elemento ng PDEA Tarlac at PDEA Pampanga Provincial Offices; at lokal na pulisya.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.