Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Family Food Packs sa mga maninindang naapektuhan ng sunog sa Baguio City Public Market.

Sa Facebook post ng DSWD nitong Linggo, Marso 12, ibinahagi nitong nagpamahagi ang kanilang Field Office sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng 2,200 DSWD Family Food Packs para sa mga apektadong market vendors sa Block 3 at Block 4 ng Baguio City Public Market.

Ang nasabing mga bahagi ng public market ay ang pinakanaapektuhan umano ng nangyaring sunog nitong Sabado dakong 11:00 ng gabi, Marso 11.

BASAHIN: Public market sa Baguio, tinupok ng apoy

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon pa sa DSWD, naging katuwang nila sa nasabing pamimigay ng tulong ang DSWD CAR Staff, Office of Civil Defense Cordillera, miyembro ng Baguio City Police Office, Public Order and Safety Division at City Social Welfare and Development Office ng Lokal na Pamahalaan ng Baguio.