Dagsa pa rin ang mga turista sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro dahil hindi pa ito naapektuhan ng oil spill.

Sa pahayag ni Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, ligtas pang puntahan ng mga turista ang mga beach sa  lugar dahil wala pang bakas ng pagkalat ng langis.

Kabilang ang Puerto Galera sa apat pang bayan sa Oriental Mindoro na ligtas pa sa oil spill.

Siyam na sa bayan ng lalawigan ang abala sa pagsasagawa ng cleanup operations dulot ng insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang sa mga ito ang Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulacacao, ayon na rin sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Gayunman, tiniyak ng alkalde na nakahanda na sila sakaling kumalat sa kanilang karagatan ang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Matatandaang patungo na sana sa Iloilo ang oil tanker mula sa Bataan nang masiraan at hinampas ng malalaking alon hanggang sa lumubog sa Naujan nitong Pebrero 28.