Babalik sa Pilipinas sa Abril ang South Korean singer-actor na si Kim Hyun-joong, na isa sa mga kinakiligang aktor sa Korean drama series na "Boys Over Flowers."

Ang pagbalik ni Hyun-joong ay inanunsyo ng lokal na promoter na Neuwave Events and Productions sa kanilang Twitter account.

"A Dreamer's Journey. KIM HYUN JOONG world tour "The End of a Dream" is coming to Manila! On April 28, 2023, at 7 p.m. in MetroTent, Pasig City!"

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

https://twitter.com/neuwave_events/status/1634476908007292928?s=20

Magdaraos ng concert si Hyun-joong sa MetroTent sa Pasig City sa Abril 28 bilang bahagi ng "The End of a Dream" world tour niya.

Hindi naman agad sinabi ng Neuwave ang mga presyo ng tiket at petsa ng pagbebenta.

Matatandaan na nag-debut si Hyun-joong noong 2005 bilang miyembro ng K-pop boy band na SS501.

Mas sumikat siya sa pagbibida sa serye noong 2009 na "Boys Over Flowers," ang Korean adaptation ng Japanese manga na may parehong pamagat, na naging inspirasyon din para sa hit na Taiwanese na drama na "Meteor Garden."

Huling pumunta ng Maynila si Kim noong Enero 2020, naglaro sa SM Skydome sa Quezon City para sa kanyang "Bio-Rhythm" tour.

Noong Pebrero 2022, ikinasal si Hyun-joong sa kaniyang non-showbiz partner.

Hulyo 2022 naman na inanunsyo nilang mag-asawa na inaasahan nila ang kanilang unang anak.