Goodbye na sa pagiging teenager si Kapamilya actress Andrea Brillantes matapos ipagdiwang ang 20th birthday ngayong Linggo, Marso 12.

Ibinahagi ni Andrea ang kaniyang birthday photoshoot sa kaniyang Instagram. Makikita naman ang 1960s ang vibes ng photoshoot; modern beehive na may pink flowers naman ang hairstyle ni Blythe.

"Kissing sweet nineteen goodbye," caption ni Andrea. Pinasalamatan naman niya ang mga tao sa likod ng kaniyang photoshoot. Ang kumuha ng litrato sa kaniya ay ang sikat na photographer na si BJ Pascual.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pinuri naman siya ng "Beautiful" ni Kapamilya actress-vlogger Ivana Alawi gayundin ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Sam Cruz, na nagpaulan naman ng heart emojis.

Pinuri din siya ng direktor na si Theodore Boborol na hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwalang ganap na dalaga at nasa 20s na si Blythe.

"Grabe! I can still remember your 10th birthday! Advance happy birthday Blythe!" pagbati nito.

Wala pang update mula sa jowa ni Blythe na si Ricci Rivero kung ano ang pasabog na sorpresa niya sa kasintahan.