Matapos manalo sa nuclear scitech competition, naimbitahan ang dalawang estudyante sa Grade 12 na sina Salina Konno at Jhames Bernard Dingle mula sa Francisco E. Barzaga Integrated High School sa Dasmariñas, Cavite, na lumahok sa study tour sa Vienna, Austria.

Sa tulong ng gabay ng kanilang coach at teacher na si Mischelle Maongca, nanalo ang dalawang estudyante sa virtual Nuclear Science and Technology (NST) Education Exhibition 2023 at nagkaroon ng pribilehiyong lumahok sa study tour ng International Atomic Energy Agency (IAEA) headquarters sa Vienna.

Ang naging ticket ng dalawa sa pagkapanalo ay ang kanilang video presentation tungkol sa paggamit ng nuclear technology sa pagresolba ng plastic pollution.

“We discussed a chemical recycling process that aims to eliminate the aforementioned problem, namely pyrolysis. It is a thermo-chemical plastic waste treatment technique that uses heat to change the chemical composition of materials, which are then cooled and compressed into a variety of useful products in society,” saad ni Konno.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binanggit naman ni Dingle na napakaimportante ng nasabing inisyatiba para magpalaganap ng "kamalayan sa epekto ng polusyon sa playic sa buhay ng bawat organismo sa mundo".

Kabilang na rin umano rito ang pagbibigay nila ng impormasyon kung paano masosolusyunan ang mga suliranin gamit ang agham at teknolohiya.

Nakatakda umanong maganap ang nasabing NST Education Study Tour sa pagtatapos ng taong 2023 o pagsisimula ng 2024.