Bilang selebrasyon ng Women's Month, nasa 1,000 kababaihan ang dumalo sa bike ride sa Quezon City nitong Linggo, Marso 12.

Sa Facebook post ng Quezon City Government, ibinahagi nitong naging katuwang nila sa paglunsad ng nasabing all-women bike ride ang Pedal for People and Planet (PPP).

"Kabilang ang bansa sa anim na Asian countries na nagsagawa ng all-women bike actions upang ipanawagan at ipabatid sa kaalaman ng lahat ang mga isyu sa pagkain, clean energy, gender, at climate justice," pahayag nito.

Umikot ang isang libong bikers sa 16-kilometrong loop protected bike lanes sa lungsod simula sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle kanina.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Tumayo namang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa naturang aktibidad si Gender and Development TWG head Janete Oviedo.

Nagpa-raffle din ang lungsod ng sampung bisikleta para sa mga dumalo sa programa.