Natimbog na ng pulisya ang umano'y pumatay kay Trece Martires City, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan noong 2018.

Sa Facebook post ng Cavite Police Provincial Office, nakilala ang suspek na si Ariel Fletchetro Paiton, alyas "Dagul" at Labuyo" at dating miyembro ng Trece Martires City-Civil Security Unit.

Si Paiton ay inaresto ng mga tauhan ng Trece Martires City Police Station, Antipolo City Police Station, Cavite Provincial Intelligence Unit at Rizal Provincial Intelligence Unit sa Sitio Pantay, Barangay Sta Ana, Antipolo, Rizal nitong Marso 10 batay na rin sa warrant of arrest na inllabas ng Trece Martires City Regional Trial Court Branch 23 sa kasong murder at frustrated murder.

Sa police report, lukmaban pa si Paiton matapos barilin ang mga awtoridad habang siya ay inaaresto, gayunman, gumanti ang mga pulis kaya tinamaan ito sa kaliwang balikat na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang pinagbabaril si Lubigan habang sakay ng kanyang kotse sa Trece -Indang Road, Brgy. Luciano, Trece Martires City noong Hulyo 7, 2018.

Bukod kay Lubigan, nasawi rin sa pananambang ang driver nito na si Romulo Guillemer.

Narekober kay Paiton ang isang Cal. 45 pistol na may magazine at 16 na bala.