Maraming netizens ang nalula sa parehong simple at ganda ng bagong property ng komedyante at online personality na si Brenda Mage.

Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, Marso 11, viral agad ang larawan ng patapos na niyang Amakan-inspired farm house.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Pagbabahagi niya, umabot ng humigit-kumulang na P200,000 ang ginasta para sa pampagawa ng native pero modern pa ring property.

Una na ring nagsilbing host ang bagong bahay ng komedyante sa kaniyang naging masayang ika-34 kaarawan kamakailan.

Basahin: Brenda Mage, ipinakilala sa followers si Bryan Roy Tagarao sa kaniyang ika-34 kaarawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pawang pagkabighani naman ang kalakhang reaksyon ng kaniyang followers sa bago niyang Amakan home.

“The modern native house, i love it❤️god bless u always🙏,” komento ng isang fan.

“Idol I love your style of your house! 🏠

“I love your farm house Brenda beautiful😍🤩

“Wow ang ganda naman ng kubo. Ang sarap mag relax dyan!”

“Omg I love your house same Tayo ng taste sa Bahay Kubo style but a little bit modern! Congrats Brenda!👏👏👏♥️

“Awesome place and so beautiful bahay kubo my gash💖

“Beautiful kaayo imo house, feeling hayahay kaayo maam Brenda.God bless you always😊

‘”What a beautiful and awsome House ! Very cute , i like it ms.Brenda”

“Wow ganda nman ng farm house mo Madam Brenda love it.”

“Wowwww ganda ganda nman yang rest house mo🏠🏠🏠🏡🏡

Kasalukuyan nang nasa mahigit 59,000 reactions ang pinusuang property.

Congrats, Brenda!