May basbas naman daw ng kaniyang mga magulang ang aktor na si Joseph Marco bago siya napapayag na gawin ang "pabukol" sa kaniyang underwear endorsement, na talaga namang nagpabilaok sa mga netizen at kapwa celebrities, gaya na lang ni Rosanna Roces na nakasama niya sa action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano."

Sa press conference ng kaniyang pelikula noong Marso 8, seryosong sinabi ni Joseph na malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang parents na pinayagan siyang "magpabakat" na talagang nambulabog at nagpalaki sa mata ng mga nakakita at nakasilay na netizens. Nasanay kasi ang mga tao na hanggang pa-abs lang ang kaya niyang ipasilip.

Pero take note, hindi raw naging komportable si Joseph sa kaniyang ginawa. Aminadong nabalisa at medyo na-stress nang slight matapos i-post ang litrato sa social media.

Sa kabilang banda, hindi naman daw ibig sabihin nito na handa na siyang sumabak sa daring at sexy roles.

Archie Alemania, tinapatan ang pabakat ni Joseph Marco; kinaaliwan

Sa sobrang hit ng ginawa ni Joseph, isang parody naman ang ginawa ng komedyanteng si Archie Alemania at ginawa ang kaniyang posing sa pinag-usapang larawan.