Tinutugis pa rin ng pulisya ang apat hanggang lima pang suspek na kabilang sa bumaril kay Governor Roel Degamo sa Pamplona, Negros Oriental kamakailan.

Ipinaliwanag ni Police Regional Office (PRO) 7 spokesperson Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare sa panayam sa radyo nitong Sabado, posibleng nagtatago pa sa Negros Oriental ang mga nasabing suspek.

"The actual participants, 'yung sumali talaga sa shooting incident, nasa four to five na lang ang hinahanap. We believe na nandito pa po because immediately after the incident we were able to block the exit points. That is why as you can remember, 66 hours after the incident, nahuli na namin ang first four suspects," ani Pelare.

Kaugnay nito, nanawagan si Pelare sa pubiko na isuplong kaagad sa pulisya ang mga suspicious individual sa kanilang lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Paliwanag ni Pelare, pinaigting na ng pulisya at millitar ang kanilang pagbabantay sa lalawigan kasunod ng pamamaslang kay Degamo.

"'Yung checkpoints natin at blockades are in place, 24/7, nandito pa sila. Increased 'yung police and military presence natin because we are still conducting manhunt operations. We will maintain the same level of security until we assess na okay na po, puwede nang i-lift," sabi pa ng opisyal.

Matatandaang pinagbabaril si Degamo habang inaasikaso ang mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanilang compound sa Pamplona, Negros Oriental nitong Marso 4.

Siyam ang nasawi sa pamamaril, kabilang na si Degamo, ayon sa pulisya.