Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, nilinaw ng ‘Kapuso Action Drama Prince' na si Ruru Madrid ang mga isyung kumakalat online tungkol sa kaniyang love life.

Bago pa man pag-usapan ang relasyon ng aktor at ni Bianca, tinanong muna ni Tito Boy si Ruru kung totoo bang naging sila ng aktres na si Gabbi Garcia.

“Naging kayo ba ni Gabbi Garcia?,” deretsahang tanong ni Tito Boy.

“Yes, Tito Boy,” pag-amin ni Ruru.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ipinaliwanag naman ni Ruru na hindi si Bianca Umali ang dahilan kaya sila naghiwalay ni Gabbi. Dagdag pa niya, hindi siya ang dahilan kaya naghiwalay sina Bianca at Miguel Tanfelix.

Naikuwento rin ng Asia's King of Talk kay Ruru ang rebelasyon ni Bianca noong Martes sa FTWBA, na naghiwalay sila ni Ruru matapos ang insidente sa isang mall parking lot.

Dito rin inamin ng aktor na "first time" niya naging seryoso sa isang relasyon.

Tanong ni Tito Boy, “Sabi niya, within the years that you were together, may eight months na medyo naghiwalay kayo. What went wrong?”

“Sa time na ‘yun, Tito Boy, medyo bago pa lang po kami. First time ko siguro maramdaman ‘yung maging seryoso sa isang relationship. I mean, before Bianca, parang may time sa sarili ko na parang I know it’s hard na aminin ito but naging ganun po talaga ako, gusto ko maging honest sa inyo,na nakikipag-date ako sa, like for example, beauty queens, artista so that maipaglaki ko,” paliwanag ni Ruru.

Dagdag pa niya, “May ganon akong klaseng trait before na parang feeling ego booster siya for me. But then, I realized lalo na nung nakilala ko si Bianca na hindi ‘yun ang mga bagay na dapat ipinagmamalaki ko. Dapat ang ipinagmamalaki ay ‘yung mga bagay na totoo. At nung time na ‘yun, siguro somehow medyo nangangapa pa ako dahil siguro first time ko maging seryoso when it comes to relationship.”

Sey pa ng aktor na dahil sa break-up mas nakita niya ang worth ng aktres na si Bianca at dito niya na-realize na hindi niya kayang mawala ang aktres sa buhay niya.

Aniya, “I did everything para maging okay ang relationship naming dalawa kasi alam ko sa sarili ko na kapag kasama ko siya, I’m at my best. Kapag hindi ko siya kasama, parang pakiramdam ko I’m lost. Siya ‘yung nagbibigay ng liwanag ng daan sa akin, pero nasaktan ko ‘yung babaeng ‘yun.”

“So sinabi ko sa sarili ko na kahit eight months ako na nanligaw sa kaniya ulit, hindi ako mapapagod na sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya ka-importante sa akin,” dagdag pa ng aktor.

Si Ruru Madrid at si Bianca Umali ay mahigit isang taon na ang relasyon.