Payag ang ilang telecommunications company na mapalawig pa ang SIM card registration na nakatakdang matapos sa Abril 26.

Ito ay nang ihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) na umabot lamang sa 42.6 milyon ang nakarehistrong SIM card hanggang nitong Marso 9.

Ang nasabing bilang ay kumakatawan lamang sa 25.24 porsyento ng mahigit sa 168.9 milyong aktibong gumagamit ng SIM card.

Nauna nang inihayag ng Smart Communications, Inc. na aabot pa lamang sa 32 porsyento ang kanilang registration rate.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi naman ng Globe Telecom, Inc. na umabot lamanng sa 20 porsyento ang registration rate nito.

Idinahilan din ng dalawang telecommunications company na layunin nilang mabigyan ng sapat na panahon ang nasa marginalized sector na nasa liblib na lugar.

Nauna nang binanggit ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo, maaaring ma-extend ng 120 araw ang pagpaparehistro.