Nagpatupad na ng gun ban ang pulisya sa Negros Oriental kasunod na rin ng pagpatay sa gobernador nito na si Roel Degamo.

“All permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) are hereby suspended in Negros Oriental until further notice,” ayon sa Facebook post ng Negros Oriental Police Provincial Office nitong Biyernes.

“Only the members of the PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), and other law enforcement agencies who are performing official duties and in agency-prescribed uniforms will be allowed to carry firearms,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na nakahanda na ang mga sundalong ipapadala sa lalawigan upang maibalik ang kapayapaan sa lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang pinagbabaril si Degamo habang inaasikaso nito ang mga residenteng binibigyan ng ayuda sa kanilang compound sa Pamplona, Negros Oriental nitong Marso 4.

Bukod kay Degamo, walo pa ang naiulat na nasawi sa nasabing pamamaril.