Namahagi ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa Palawan.

Sa pahayag ng DSWD Field Office sa Region 4B, ang pamamahagi ng financial assistance ay bahagi ng kanilang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nasa 1,047 na residente ng Barangay Algeciras, Agutaya, Palawan ang tumanggap ng ayuda nitong Biyenes, Marso 10.

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress matapos hampasin ng malalaking alon sa karagatan ng Naujan sa Oriental Mindoro nitong Pebrero 28.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang nasabing oil tanker na karga ang 800,000 litrong industrial fuel oil ay patungo na sana sa Iloilo mula sa Bataan nang maganap ang insidente.