Muling mapapanuod sa isang pelikula ang minsan nang nagpakilig na showbiz partner na sina Alessandra De Rossi at Empoy para sa kanilang reunion movie na "Walang KaParis."

Mula sa Amazon Prime Video, ang pelikula ay sa direksyon ng "Kita Kita" director Sigrid Andrea Bernardo at produced ng Spring Films at Viva Films.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang kwento ng pelikula ay umiikot kay Jojo (Empoy), isang Filipino artist na nakabase sa Paris. Nagkaroon na siya ng maraming partner ngunit wala ni isa sa mga 'yon ang nakapuno sa kakulangan ng nararamdaman ni Jojo.

Hanggang isang araw, muling nakasama ni Jojo si Marie (Alessandra), isang babaeng kilala niya mula noong high school at sinasabing siya ang paksa ng kaniyang mga painting.

Habang ginalugad nila ang Paris, hayagang ipinagtapat ni Marie ang kaniyang nararamdaman para kay Jojo.

Mismong sa Paris din ginanap ang set.

Mapapanuod naman ang “Walang KaParis” sa Amazon Prime Video sa darating na Marso 23, sa 240 bansa.