Nasa 1.37 milyong menor de edad na may edad limang hanggang 17 ang sumabak na sa trabaho noong 2021.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing bilang ay kabilang sa 31.64 milyong kabataang nasa 5-17 age group.

Ipinaliwanag ng PSA na kinakatawan ng naturang bilang ang 4.3 porsyento ng nasabing populasyong sumabak sa trabaho sa nabanggit na taon.

Ayon sa PSA, mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitala noong 2019 at 2020 na mayroong 3.4 porsyento at 2.8 porsyento, ayon sa pagkakasunod.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'