Patay ang isang rider nang bumangga sa puno ang minamanehong motorsiklo sa Antipolo City nitong Huwebes.

Dead on arrival sa Rizal Provincial Hospital ang biktimang si Jemar Cabigquez, 23, residente ng Mansanas St., Pagrai Hills, Brgy.Mayamot, Antipolo City, dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Sumulong Highway, Brgy. Sta. Cruz.

Binabagtas ni Cabigquez ang Sumulong Highway sakay ng isang Honda Beat 125 na motorsiklo, mula sa Masinag patungong Antipolo proper, nang bigla na lang itong mawalan ng kontrol sa behikulo, sanhi upang bumangga sa isang puno.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga ay tumilapon ang biktima ng may 50-metro mula sa sinasakyang motorsiklo, na nagresulta sa kanyang matinding pagkasugat at malaunan ay pagkamatay.