Kinumpirma ng Isabela Incident Management Team na walang nakaligtas sa anim na sakay ng nahanap na Cessna 206 nitong Huwebes, Marso 9.

Matapos ang mahigit isang buwan, natagpuan ang wreckage ng nasabing eroplano bandang 11:00 ng umaga kanina sa Maconacon-Divilacan area sa Isabela.

BASAHIN: Nawawalang Cessna sa Isabela, natagpuan na!

Bukas umano inaasahang marating ng retrieval time ang lokasyon ng wreckage ng eroplano, habang aabot daw sa tatlong araw bago maibaba ang labi ng mga biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Unang naiulat na nawawala ang nasabing Cessna plane noong Enero 24. Patungo sana ito sa bayan ng Maconacon mula Cauayan Airport.