Pinag-aaralan na ng mga opisyal ng Pola, Oriental Mindoro na magsampa ng kaso kaugnay ng naganap na oil spill sa Oriental Mindoro na resulta ng paglubog ng isang oil tanker nitong Pebrero 28.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes, bubuo na ng task force ang local government ng Pola upang makasuhan sa hukuman ang mga may-ari at operator ng lumubog na MT Princess Empress dahil na rin sa idinulot na pinsala ng insidente.

Magsasagawa muna ng assessment angProvincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa mga barangay na naapektuhan ng oil spill.

Nagpulong na rin ang mga ahensya ng gobyerno kung saan tinalakay ang mga hakbang upang makontrol ang pagkalat ng langis sa karagatan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Itutuloy din ang cleanup operations sa Biyernes, Marso 10, katulong ang mga mangingisda na babayaran ng gobyerno sa ilalim ng cash-for-work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inoobliga naman ng Department of Health (DOH) ang lahat ng makikibahagi sa cleanup operation na gumamit ng full-face respirators para na rin sa kanilang kaligtasan.

Tiniyak pa ng DOH na babantayan ng mga toxicologist ang mga grupong sasama sa paglilinis.