Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa isinagawang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes ng hapon.

Ang NSED ay taunang aktibidad ng gobyerno na may layuning mapabuti ang kahandaan ng mga Pilipino sa mga inaasahang kalamidad sa bansa, katulad ng lindol.

Kabilang sa itinuro ang tamang pamamaraan at kahalagahan ng "duck, cover and hold" upang mailigtas ang sarili sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Kabilang din sa nakibahagi sa earthquake drill ang Department of Social Welfare and Development, Professional Regulation Commission (PRC), Philippine Information Agency (PIA) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'