Usap-usapan ngayon ang birthday greetings ni Dennis Padilla sa kaniyang anak na si Julia Barretto na magdiriwang ng kaniyang 26th birthday bukas ng Biyernes, Marso 10.

Makikita sa Instagram post ni Dennis ang litrato ng personalized birthday card para sa anak.

"Dearest Juy," ani Dennis.

"Happy 26th birthday! Praying for more blessings! Hoping to see you soon! I love you! Papa," mababasa sa naturang b-day card.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Inulit ito ni Dennis sa mismong caption ng kaniyang IG post.

Kapansin-pansin naman sa comment section na walang tugon dito si Julia o kahit na sino sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kung pm mo nalang yan direct kay julia para pag di cya mag reply di cya ma bash"

"Sarap magka ganyan na Tatay kaya ako di man showy tatay ko pero ramdam ko yun kapag may achievements ako na proud sya sakin pinagmamalaki ko sa ibang tao at mga kamag anak namin at lalo pag sa school niyayakap at nagpipigil man ng luha pero ramdam ko na ganun ayaw nya ipakita dahil magbibiruan kami. namimiss ko tatay ko na nasa langit na kaya habang buhay sila iparamdam nyo na mahal nyo sila, ako para kaming magkaibihan ng tatay ko pero andun parin yung pagiging tatay may limitasyon iba ang bonding pag sa tatay e hahanapin mo at mamimiss mo lagi."

"dont get tired loving your sibling ok na un hayaan mo na kapag ayaw ka pa patawarin basta ituloy mo lang yan"

"Sana magkaayos na kayo…"

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang hindi pagpansin ng mga anak ni Dennis sa kaniya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuloy ang panayam sa kaniya ni ABS-CBN news anchor/journalist Karen Davila, matapos siyang pumalag sa mga naging rebelasyon ni Julia sa vlog nito.