Hindi makaaapekto sa suplay ng karneng baboy sa bansa ang paglaganap ng African swine fever (ASF) sa Carcar City sa Cebu.

Ito ang reaksyon ni Department of Agriculture (DA) deputy spokesperson Rex Estoperez sa television interview nitong Huwebes.

"For now wala pang sinasabi sa atin. Ang supply ng pork, okay naman. Right now, we are assuring the public, na kahit may ASF, may supply pa rin tayo ng pork na safe naman for our consumption," paliwanag ni Estoperez.

Nauna nang isinapubliko ng Bureau of Animal Industry (BAI) na kumalat na ang sakit sa ilang barangay sa lungsod matapos makumpirma na 58 sa 149 samples ang nagpositibo sa sakit.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ipinaliwanag pa ni Estoperez na inatasan na ng DA ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu na gumawa ng hakbang upang makontrol ang paglaganap ng sakit.