Lumabas na ang DNA test results sa pinaslang na Hongkong model na si Abby Choi Tin-fung na karumal-dumal na tinadtad sa isang village house sa Lung Mei Tsuen, noong Pebrero 2023.

Ang natagpuang bungo sa isang soup pot at dalawang binti sa loob ng refrigerator ay kumpirmadong sa kaniya.

Hindi pa nahahanap ang kaniyang mga torso at mga kamay.

Ang mga pangunahing suspek sa pamamaslang ay dati niyang mister na si Alex Kwong Kong-chi, 65 anyos na tatay nitong si Kwong Kau, 63 anyos na nanay na si Jenny Li Sui-heung, at 31 anyos na hipag na si Anthony Kwong Kong-kit. Lahat sila ay nasa pangangalaga na ng mga awtoridad.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ayon sa mga ulat, isyu sa pinansyal na aspeto o pera ang puno't dulo ng hidwaan nina Abby at pamilya ng kaniyang ex-husband.

Bukod sa pagiging isang fashion model ay kilalang social media influencer din si Abby, kaya labis na nagulat ang kaniyang followers sa paraan ng kaniyang pagkamatay.

Ngayong women's month, hangad ng kaniyang mga tagahanga na makamit ni Abby ang hustisya ng kaniyang pagkamatay.