Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lamay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na pinaslang sa loob ng kanyang bahay sa Pamplona, Negros Oriental nitong Sabado, Marso 4.

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Marcos sa naulila na mga kaanak at kaibigan ni Degamo.

Sa panayam, tiniyak ng Pangulo na reresolbahin ng gobyerno ang kaso, maging ang pagsagot sa pag-aaral ng mga anak ng mga nasawi sa insidente ng pamamaril at sa pagpapa-ospital ng mga sugatan.

“I just came here makiramay sa family ni Gov. Roel at nagtatanong lang kami ano dapat gawin para matulungan 'yung mga biktima pati 'yung mga nasa ospital ngayon," sabi ni Marcos.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Andiyan yung ibang mga kamag-anak, asawa ng namatay nakausap din natin at sinabi ko lang sa kanila na makakaasa sila na magkakaroon ng hustisya dito sa inyong probinsya na naging masyadong magulo," anang Pangulo.

Apat na ang naarestong suspek sa krimen, ayon sa pulisya.

Matatandaang pinagbabaril ng mga suspek si Degamo habang namamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanilang compound sa Pamplona nitong Sabado na ikinasawi ng siyam sa mga biktima.