Usap-usapan ngayon ang pagtatangkang ibenta ng Grand Winner ng Miss Q&A Season 1 ng "It's Showtime" na si Juliana Parizcova Segovia ang kaniyang mga napanalunang korona, na sa kabuuan ay aabot sa isang milyong piso.

Mapapanood ang pagtungo ni Juliana sa pawnshop ni "Boss Toyo," ang vlogger sa likod ng 'Pinoy Pawn Stars" YouTube channel.

"Ang bawat isa nito ay ₱20,000 'yung worth niya. Ten 'to is ₱200,000," sey ni Juliana sa mga koronang napanalunan niya sa daily rounds.

At ang pinakamahal naman, ang kaniyang koronang napanalunan sa Grand Finals.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Itong crown na 'to is worth ₱450,000 na, the Swarovski, the silver ganiyan, plus 'yung trophy. So, siyempre napanalunan ko siya ng ₱1M so, ₱1M," paliwanag ni Juliana.

"Naging iconic na siya, naging iconic na 'yung Miss Q&A."

Isinalaysay ni Juliana ang kaniyang journey kung paano siya nanalo sa naturang patimpalak.

"Pero masyadong mabigat 'yung 1M," saad ni Boss Toyo.

Sumang-ayon naman ang komedyante na gawing ₱800,000 na lamang ang kabuuang presyo ng lahat, subalit tumawad si Boss Toyo na hanggang ₱400,000 lamang ang kaya ng budget niya.

Sa huli, hindi nagtagumpay si Juliana. Sinabi na lamang ni Boss Toyo na baka maging daan ang vlog upang malaman ng mga tao na ibinebenta na niya ang mga korona.

Hindi naman sinabi ni Juliana kung bakit niya ibinebenta ang mga korona kasama na ang tropeo.