Sinibak na sa kanilang puwesto ang lahat ng tauhan ng Bayawan City Police force sa Negros Oriental kaugnay sa pamamaslang kay Governor Roel Degamo nitong Marso 4.

“This is operational and tactical decision of the command to make sure that the remaining suspects will be arrested,” pahayag ni Lt. Col. Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group (SITG) ng Police Regional Office (PRO)-Central Visayas, sa pulong balitaan.

Pansamantalang inilipat sa Negros Oriental Provincial Police Office (Norppo) headquarters ang sinibak sa puwesto, ayon kay Pelare.

Nitong Sabado ng gabi, napatay ang ikaapat na suspek matapos umanong lumaban sa mga pulis. Naaresto naman ang ikalimang suspek nitong Marso 5.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kamakailan, kinasuhan na ng multiple murder, frustrated murder, illegal possession of explosives, at illegal possession of firearms and ammunition ang mga suspek, kabilang ang tatlong dating sundalo na tinanggal sa kanilang trabaho.

Matatandaang pinagbabaril ng 10 hanggang 12 na suspek si Degamo habang namamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) sa kanilang compound sa Pamplona, Negros Oriental nitong Sabado,

Bukod kay Degamo, walong iba pa ang nasawi sa pamamaril.

Glazyl Masculino