Matapos ang matagumpay na “Iconic” tour ng duo na sina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa North America noong 2022, magbabalik ang musical treat sa parehong bansa sa susunod na taon.

Ito ang inanunsyo muli ni Songbird sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Marso 8.

Una nang nagtanghal ang iconic duo sa sa North America noong Hulyo 9-24.

Sa kanilang pagbabalik, matutunghayan ng fans ang duo mula Marso 17-26 sa iba't ibang concert venues.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: ‘Iconic’ tour ni Megastar, Songbird sa North America, matagumpay! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayon pa lang, nagpahayag na ng excitement ang maraming fans para sa muling handog ng dalawang icons.

Basahin:Songbird, ‘Solo’ sa apat na araw na concert sa Pebrero 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Itinanghal ang “Iconic” concert nina Mega at Songbird bilang “Best Major Concert” ng Aliw Awards 2022.