LUCENA CITY, Quezon -- Patay ang isang ginang nang masagasaan ng dump truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa junction road sa Brgy. Ibabang Dupay nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Rebecca Sagadsad, 79, residente ng Purok III B, Brgy. Dalahican dito.

Ayon sa ulat, bandang 2:30 ng hapon, tumatawid ang biktima sa pedestrian lane nang mahagip ito ng kanang bumper ng trak at nasagasaan ng likurang double tire ng trak. 

Nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo at sa katawan. 

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Samantala, inaresto ng Lucena City Police ang driver ng truck na si Dani Ondovilla, 49, residente ng Brgy. Manggagawa sa bayan ng Guinayangan. 

Nasa kustodiya na siya ngayon ng Lucena City police at kakasuhan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.