Sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong Miyerkules, Marso 8, iflinex ng glowing pa ring celebrity doctor na si Vicky Belo ang kaniyang katawan sa edad na 66-anyos.
Napa-wow ng doktora ang kaniyang followers nang iladlad na nito ang tunay na edad at ang healthy-looking figure online.
“66 never felt so good 🤍 stay empowered in your skin, #happyinternationalwomensday, ✨” mababasa sa kaniyang caption.
Kaniya-kaniyang puri naman ang ilang celebrities sa pasabog ni Belo kabilang na sina Pia Wurtzbach, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Zeinab Harake, Mond Gutierres, bukod sa iba pa.

Kasalukuyan nang nasa mahigit 54,000 likes na sa Instagram ang naturang larawan ng doktora.