Binanggit ni House Speaker Martin Romualdez nitong Lunes, Marso 6, na nakikisimpatya si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga hinaing ng transport groups hinggil sa jeepney modernization program sa bansa.

Hinikayat din ni Romualdez ang mga transport group na makipag-dayalogo sa gobyerno para maresolba umano ang isyu.

“President Marcos has shown that he is sympathetic to the issues raised by certain transport groups over the jeepney modernization program. I appeal to those concerned to engage the government in a sincere dialogue to resolve this issue,” ani Romualdez.

“Kawawa po naman ang ating mga commuters na sila ang laging naiipit at nahihirapan tuwing magkakaroon ng ganitong transport strike,” dagdag niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi ito ni Romualdez sa kaniyang pahayag matapos magsimula na nitong Lunes ang tigil pasada ng tinatayang 100,000 tsuper at operator ng jeep bilang pagprotesta sa nakaambang jeepney phaseout alinsunod sa PUV Modernization Program (PUVM) ng gobyerno.

Sa ilalim ng PUVM, kinakailangang bumili ang mga operator ng consolidated entities ng modernong sasakyan na nagkakahalaga ng ₱2.4-milyon hanggang ₱2.8-milyon kada unit.

Ayon sa transport groups, nagsasagawa sila ng transport strike dahil labis umanong maaapektuhan ng nakaambang pag-phase out ng tradisyunal na jeep ang kanilang ikinabubuhay.

BASAHIN: Piston sa pagsasagawa ng transport strike: ‘Hindi sapat ang puro extension’