Inanunsyo ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor na isinailalim na sa state of calamity nitong Lunes, Marso 6, ang lahat ng coastal barangays sa siyam na lungsod sa probinsya dahil sa oil spill.

Sa pahayag ni Dolor, ang mga nasabing siyam na lungsod umano ay ang Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Nitong Lunes ay inanunsyo rin ng gobernador na natagpuan na ang lumubong na MT Princess Empress noong Pebrero 28 na siyang nagdulot ng oil spill at puminsala sa ilang mga baybayin ng Oriental Mindoro at mga kalapit na lugar.

BASAHIN: Lumubog na MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill, natagpuan na!

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nito lamang Sabado, Marso 4, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot na sa walong drum ang nakolektang langis mula sa nasabing oil spill

BASAHIN: Nakolektang langis mula sa oil spill sa Mindoro, 8 drum na!