Tila may pasaring ang 'sawsawerang' si Lolit Solis kaugnay sa hiwalayan nina Pokwang at Lee O'Brian. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Lolit sa isyung ito.

Sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Marso 5, napaka-cheap na raw ng dating ng mga sinasabi ni Pokwang sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian.

"Salve alam mo ba ayaw ko na sana sawsaw sa issue ni Pokwang at ng EX niya na si O'Brian ba iyon? Pero talagang sawsawera ako kaya heto na naman, hah hah. Alam mo ba na napaka cheap ng dating ng mga sinasabi ni Pokwang dahil para bang bitter na bitter siya sa hiwalayan nila," pasaring ni Lolit.

"Para bang hinahabol pa niya iyon EX dahil ayaw niya tumigil mag comment tungkol dito. Di ba mas classy sana na wala lang, ok lang, go kung go. Kasi pag nagbigay comment ka pa hahaba pa, eh kunh talagang wala ka ng paki, di tahimik lang," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mas mabuti pa raw na manahimik na lang. 

"Hindi sumasagot si EX, walang reaction, so ibig sabihin mas naka move on ito kesa kay Pokwang. Kaya kung ako si Pokwang chill lang, tahimik lang, wag na comment. Mas maganda pa iyon para sa kanya, mas magiging class pa siya," aniya.

"Tutal may career pa siya iyon na lang harapin niya, snob na niya issue tungkol sa EX at sure ako mas bongga pa siya di ba," dagdag pa niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Lolit hinggil sa hiwalayan ng dalawa. 

“Salve alam mo ba na ang pangit pag ang dalawang tao na nagkasama at meron pang naging anak nagsasalita against each other? Iyan ngayon ang nangyayari between Pokwang at ang father ng anak niya,” saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 5.

“Natawa ako sa tanong ni Boy Abunda na bakit last week magaganda ang sinasabi niya, at ngayon nag iba na ang tono. Bakit ba hindi maari na walang dirty linens na ilabas pag naghiwalay ? Bakit ba hindi puwede mag move on na walang masakit na salita,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/07/lolit-sa-isyu-ni-pokwang-at-lee-obrian-ang-pangit-pakinggan-pag-may-masamang-sinasabi-ang-isa/