Labing-apat na taon matapos mamaalam ni Francis Magalona, nananatili ang legasiya ng rapper-icon sa kaniyang mga kaibigan at pamilya.

Ito ang inalala ng matalik na kaibigang si Michael V o “Bitoy” kasunod ng death anniversary ni Francis M ngayong Lunes, Marso 6.

Isang larawan kasama ang yumaong Master Rapper, at ang iniidolong si Kitchie Nadal ang ibinahagi Bitoy.

“Yup, this happened at one point in our lives thanks to Kiko himself,” anang TV personality sa kaniyang social media post.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag ni ng komedyante, dahil alam ni Kiko noon kung gaano niya kamahal ang musika ni Kitchie, personal na inimbitahan siya nito na mapanuod ang musikero nang live.

“I’ll never forget that day. Same way I’ll never forget our friendship. Maraming salamat brod,🙏🏼” pagtatapos ni Bitoy.

Samantala, present naman sa puntod ni Francis M ang kaniyang pamilya nitong Lunes din.

Sa mga larawang ibinahagi ng content creator at isa sa mga anak ng icon na si Saab Magalona, makikitang isang pamilyang inalala nila ang anibersaryo ng pagkamatay ng ama.

Present sa kanilang pagdalaw si Pia Magalona, at mga anak kabilang na si Saab at Elmo.

Game na game ding nagpamalas ng kanilang kakyutan at showmanship ang mga chikiting ni Saab na sina Vito at Pancho.

“The boys seemed very clingy to their Ate Luna hehe. And I’m sure pop is loving that his grandkids are dancing on his grave, proving that showmanship runs in the family,😅🤣”

Taong 2009 nang ipagluksa ng indsutriya ang pagpanaw ni Francis M dahil sa sakit na acute myeloid leukemia.