Matapos ianunsyo ni Sharon Cuneta na ganap na siyang free agent at magpahiwatig nga na bukas na siya sa mga alok na proyekto ng ibang network maliban sa ABS-CBN, isang diretsang tanong ang sinagot ni Megastar mula sa isang netizen.

“Is that a sign that you would be working somewhere else? Maybe back to GMA?” rektang tanong ng isang follower ng aktres sa Instagram nitong Linggo, Marso 6.

Agad na paglilinaw ni Sharon: “For the record, I have not spoken to anyone from any other station. I just have no work yet at ABS-CBN. Seven months na. For the first time.”

Basahin: Sharon Cuneta, grateful bilang Kapamilya, pero willing magtrabaho sa ibang network – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Dagdag na paghikayat ng isa pang tagahanga, sa Kapuso na lang umano lumipat si Megastar.

“Sana mag gma ka nalang po mega. Baka dun maibalik nila ang talkshow mo like tito boy abunda. At baka mabigyan ka ng magandang teleserye na deserve mo nman tlga. Mahal ka ng gma alam ko yun kasi sa gma supershow ka tlga nag start mag co-host with kuya germs. Sana lang tlga mega sa gma ka na, para fresh tlga ang start mo ulet ng pagbabalik mo sa tv. Goodluck mega support ka nmin mga fans mo all the way! God bless u more po,” mahabang pangungumbinsi ng isang fan.

“Dun naman ako galing and dami akong kaibigan dun never nawala love & respeto nila sakin. Kapamilya lang nga ako ng over 3 decades pero naggeguest pa rin naman ako sa GMA,” sagot ni Mega.

Tila wala namang pinipiling network ngayon si Mega basta’t aniya’y “matino [ang] trabaho.”

Basahin: Sharon Cuneta, willing nga bang magtrabaho sa ALLTV ngayong isa nang ‘free agent?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, ani Shawie, gustuhin man niyang manatili sa ABS-CBN, ang istasyon ang may pasya umano rito.

“Naku ang saya-saya ko lang pag binigyan nila ako ng trabaho,” prangkang saad ni Shawie at dagdag na pahiwatig niyang pagnanais pa ring magtrabaho sa Kapamilya Network.

Nang hikayatin naman ng isang solid Kapamilya fan na manatili pa rin siya sa network sa kabila ng lahat, tanging saad lang ni Mega: “Kakasabi ko lang kapamilya nga ako and always will be. Pero ang pamilya ‘di puede isa lang nagmamahal dapat nagmamahalan di ba?”