Ibinalita ng aktres na si Alessandra De Rossi na binigyan siya ng "anak" ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

Isang ibong "cockatoo" ang ibinigay ni Papa P kay Alessandra na pinangalanan nitong "Puppy."

"Meet PUPPY! A gift from papapi @piolo_pascual mahal kita. Salamat at nabigyan mo ako ng anak sa wakas! Hashtag ang ganda ganda ko!," ani Alessandra.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Tumugon naman dito si Piolo.

"Masaya ako’t nagsilang ka ng ibon 😂 @msderossi," sagot ng aktor.

Sa comment section, marami sa netizens ang nagsabing bagay sila, at sana raw ay magsama sila sa isang proyekto sa susunod na panahon.