Nanindigan ang ilang transport group na itutuloy pa rin ang pamamasada sa kabila ng nakakasang transport strike sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa sa Lunes, Marso 6 hanggang Marso 12.

Ikinatwiran niFederation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Ricardo Rebaño sa radio interview, naawa umano sila sa commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada.

“Marami sa ating kababayan ang magsa-suffer dito samantalang pwede naman nating upuan. Mag-usap po tayo nang maayos kung ano ang problema at pwede naman nating solusyunan,” aniya.

Nag-abiso na rin aniya sa kanya ang ibang miyembro ng samahan na pumapasada sa labas ng Metro Manila na hindi rin sila sasama sa isang linggong transport strike.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umatras na rin sa pagsama sa tigil-pasada ang ilang transport group na kinabibilangan ngPasang Masda,Alliance of Transport Operators and Drivers Associatio­n of the Philippine­s(ALTODAP),Philippine Confederation of Drivers Organization of Concerned Transport Operators(PCDO ACTO), at Stop and Go Transport Coalition, ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Lando Marquez.

Nitong Huwebes aniya, nagdeklara na sila na hindi sasama sa transport strike.

Nauna nang inihayag ng ilang transport group na kaya sila maglulunsad ng tigil pasada bilang pagtutol sa isinusulong na public utility vehicle modernization program ng pamahalaan.