Nabigo si Pinoy boxer Mark Magsayo na masungkit muli ang kampeonato matapos paluhurin ng Amerikanong si Brandon Figueroa via unanimous decision sa kanilang laban para sa interim World Boxing Council (WBC) featherweight title sa Toyota Arena sa Ontario, California nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Parehong nagbigay ng 117-109 ang dalawang hurado habang ang ikatlong hurado ay naglabas ng iskor na 118-108 na pawang pabor kay Figueroa.

Ito na ang ika-24 na panalo ni Figueroa, tampok ang 18 knockout, isang talo at isang draw.

Binigyan ng dalawang magkahiwalay na deduction si Magsayo dahil "below the belt" na suntok nito at madalas paghawak nito sa kalaban.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Nabahiran na ng dalawang sunod na talo si Magsayo pagkatapos ng nauna niyang 24-0 record.

Philippine News Agency