Nasa 50 milyong Pinoy ang nabigyan na ng Philippine National identification (PhilID) at electronic PhilID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pahayag ng PSA, umabot sa 50,176,726 PhilID at ePhilID ang maaari nang gamitin sa mga transaksyong nangangailangan ng proof of identity.

"Of the 50-million figure, 25,126,407 PhilIDs are delivered as of 28 February 2023 while 25,050,319 ePhilIDs, including 770,559 downloaded ePhilIDs, issued as of 03 March 2023," lahad ng PSA.

“We, at the PSA, take this milestone as another step towards our goal of delivering the benefits of being PhilSys-registered to more Filipinos,” pagdidiin naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binanggit ng PSA na patuloy pa rin silang nakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pag-iimprenta ng PhilID card.

Idinagdag pa ng ahensya na tumutulong din sa kanila ang Philippine Postal Corporation (Post Office) para sa delivery ng mga PhilID card.