Ipinagtanggol ng video creator na si Jack Logan si Coco Martin laban sa motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador, matapos mag-viral ang banat ni Rendon tungkol sa isyung nakaka-istorbo umano ang taping ng "FPJ's Batang Quiapo" sa bentahan ng ilang nagtitinda sa Quiapo, Maynila.

“Hindi pa ba tumitigil? Tigas ng mukha mo Coco Martin, kailangan pa bang sabihan kita ng dalawang beses? Nakaka-abala ka na sa mga negosyanteng vendor natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan. Para sa PUBLIKO at MAMAYANG PILIPINO YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang “anak ng tokwa," galit na pahayag ni Rendon laban kay Coco Martin at sa pelikula nito.

BASAHIN:Rendon Labador, binanatan si Coco Martin, ‘Hindi ka batang Quiapo, isa kang anak ng tokwa’

Agad na naparesbak si Jack Logan at tinawag si Rendon na ''bulateng muscle man.''

Eleksyon

'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list

Aniya, "Hindi ko maintindihan ang lahat ng pagbubunganga nitong si Rendon. Halos lahat na yata ng makita sa social media, gusto niya, siya pa rin 'yung sentro ng atensyon. Wala namang masama sa kritisismo, okay 'yan naintindihan ko 'yan. Karapatan ng isang tao, kahit na bulateng muscle man ang nagrereklamo sa mga hindi niya nagugustuhan."

Dagdag pa ng video creator,  nagpi-feeling "Tulfo" umano itong si Rendon at kung anu-anong pangalan na lang daw ang itinatawag nito kay Coco Martin.

"So, may nagrereklamo raw kay Rendon na nagfefeeling Tulfo, na kesyo 'yung kanilang nga paninda, apektado ng taping ng Batang Quiapo. Napakasimple ng solusyon, pakiusapan ng maayos na kumembot ng konti sa gilid kapag nagsho-shoot, o daanin sa maayos na diskusyon, hindi 'yung babanatan mo 'yung tao, tatawagin mo na kung anu-anong pangalan," galit na banat ni Logan kay Rendon.

Idiin din ni Logan na hindi lang si Coco Martin ang kinakalaban at pinapalayas ni Rendon, pati na rin umano ang daan-daang tao na bumubuo sa nasabing action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Rendon at Coco tungkol dito.