Patay sa engkwentro ang isang suspek na sangkot umano sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa lungsod ng Pamplona nitong Sabado, Marso 4.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB nitong Linggo, Marso 5, ibinahagi ni Philippine National Police Region 7 spokesperson Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare na isang suspek nga ang nasawi nitong Sabado sa engkwentro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Special Action Force.

Naganap umano ang nasabing engkwentro bandang 9:00 ng gabi sa Barangay Cansumalig, Bayawan City.

Samantala, sumailalim na umano sa custodial debriefing ang tatlong suspek na inaresto sa isang hot pursuit operation sa Bayawan City nitong Sabado ng hapon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: Tatlong suspek sa pag-ambush kay Gov. Degamo, arestado!

May nakuha naman daw ang mga pulis na firearms sa mga nasabing suspek kung saan apat dito ay assault rifles. Titingnan pa umano kung nakarehistro ang mga nasabing firearms.

Ibinahagi rin ni Palere na ang dalawang arestadong suspek na dating sundalo ay napatalsik mula sa serbisyo dahil sa “absence without leave” at kinasangkutang mga kaso hinggil sa droga.

Samantala, bukod umano sa gobernador, walong mga sibilyan din ang nasawi at 13 ang sugatan sa pamamaril na nangyari sa harap ng bahay ni Degamo habang nakikipag-usap sa ilang mga benepisyaryo ng 4Ps nitong Sabado ng umaga.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Sa kanilang imbestigasyon, ibinahagi rin ni Palare nitong Linggo na isa sa mga suspek sa pamamaril ay natamaan din ng bala ng isa sa mga rumespondeng miyembro ng security detail ni Degamo.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad at paghahanap sa iba pang suspek hinggil sa nasabing kaso.