Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na tripulante ng isang barkong nagkaaberya sa karagatang sakop ng Isabela City sa Basilan kamakailan.

Sa report ng Coast Guard District Southwestern Mindanao, ipinadala nila kaagad ang BRP Cape Engaño (MRRV-4411) sa karagatang bisinidad ng Malamawi Island sa Isabela City matapos matanggap ang distress message kaugnay sa pumalyang makina ng MV Ameerazara nitong Marso 2.

Patungo sana sa Zamboanga City ang barko na galing sa Isabela City nang biglang pumalya ang makina nito.

Matapos masagip ang apat na lulan ng barko, kaagad ding hinila ang barko patungong Zamboanga City port, ayon pa sa PCG.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinuri muna ang kalusugan ng apat na nailigtas bago inihatid sa kanilang lugar.