Pati ang kapwa Kapuso actress na si Rhian Ramos ay hindi mapigilang mahumaling sa kadyosahan ni Carla Abellana.
Ito ang mababasa sa komento ni Rhian sa kamakailang studio photos ni Carla tampok pa rin ang kaniyang timeless beauty.
Glowing ang 36-anyos sa mga larawan na napansin nga ng kapwa stars. Women supporting women naman ang peg sa comment section ng naturang post ni Carla pagpasok ng buwan ng Marso.
“She's perfect, 😍” sey ni Rhian sa larawan ni Carla.
“We all love her, 🙌🏼” segunda rin ni Kapuso young actress Cassy Legaspi.
“Love her,” komento rin ni Max Collins.
Pawang papuri lang din ang mababasa sa mga reaksyon ng netizens kay Carla.
Umabot na sa mahigit 27,000 likes ang pinusuang post ng aktres.