Isa sa mga humanga sa matagumpay na SOLO concert kamakailan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang OPM icon at batikang aktres na si Celeste Legaspi.

Ito ang mababasa sa kamakailang Facebook post ni Legaspi matapos matunghayan ang Valentine concert series ni Regine sa Circuit Performing Arts Theater sa Makati noong Pebrero 24.

Basahin: Songbird, kinanta ang ‘Paraluman’ ni Adie sa concert; young singer, ‘di makapaniwala! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloi

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I have seen and heard Regine from the eighties to today. And I am very proud to say that she has become even stronger and an even more outstanding artist,” paglalarawan ng beteranong mang-aawit.

Si Legaspi ang isa sa mga aktibong nagtaguyod ng OPM mula dekada ’70 hanggang dekada ’90. Kilala siya sa mga OPM classics kabilang ang "Saranggola ni Pepe", "Tuliro", at "Gaano Ko Ikaw Kamahal?" bukod sa maraming iba pa.

Basahin: Regine, aminadong nag-iba na boses, pero ginagalingan pa rin dahil sa fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Batikan at tinitingala man sa industriya, hindi naman nito napigilang maging faney ni Songbird.

“How she throws her voice out there in utter reckless abandon. And then pull you in perfectly placed gasping whispers. Then she saunters in like nothing so beautifully ethereal just happened at ….nag-walis sa stage,” paglalarawan ni Legaspi sa naging paandar ni Songbird sa nasabing concert.

“Lovely, crazy, real, gorgeous and awesome. That is Regine Velasquez-Alcasid. So proud of you. 💗” pagtatapos ni Legaspi sa kaniyang Facebook post.

Samantala, dahil sa naging matagumpay na pagtangkilik sa apat na araw na concert ni Songbird noong Pebrero 17-8 at 24-25, agad na masusundan ang show sa darating na Abril 28-29.

Mabibili ang tiket sa repeat concert ni Songbird simula Abril 1.