Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipapasok nila sa cash-for-work program ang mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang isinapubliko ni DSWD Secretary Rex Gatchalian matapos bumisita sa Naujan sa nasabing lalawigan nitong Sabado upang pangunahan ang pamamahagi ng family food packs.

Layunin aniya ng naturang hakbang na matulungan ang mga mangingisdang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa insidente na resulta ng paglubog ng oil tanker na MT Princess Empress sa nabanggit na lugar nitong nakaraang buwan.

Pinangunahan din ng opisyal ang isinagawang operational period briefing nitong Marso 4 na dinaluhan din ng mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG), Department of Health (DOH), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police (PNP).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kabilang sa nabiyayaan ng food packs ang 3,600 residente ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Bongabong, Gloria, at Bansud.

Matatandaang lumubog ang barko nang hampasin ng malalaking alon habang nasa ginta ng laot matapos masiraan ng makina nitong Pebrero 28.