Tila walang balak na tumiklop sa nangangangalaiting netizens si Kapuso actor Martin del Rosario na ini-enjoy pa rin ang kaniyang bakasyon sa Coron sa Palawan sa pag-uulat.

Matapos ang binatikos na paghango ng aktor sa mga starfish sa isang larawan kamakailan, nananatiling dedma ito sa isyu.

Basahin: Martin del Rosario, tinawag na ‘ignorante,’ tinalakan malala ng netizens kasunod ng isang IG photo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kaniyang Instagram account, hindi rin piniling pigilan ng aktor ang mga komento ng publiko sa kontrobersyal na larawan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kasalukuyang nasa Palawan ang Kapuso star kasama ang pamilya para magbakasyon, batay sa serye ng Instagram posts.

Sa gitna ng kontorbersiya, pawang pag-promote din ang prayoridad ni Martin sa kaniyang TV project ang mababasa sa kaniyang social media account.

Matutunghayan din sa bagong larawan ng aktor ngayong Sabado, Marso 4, ang latest beach photo nito na kuya sa Malcapuya Beach sa Palawan pa rin.

Matatandaang ipinunto ng maraming netizens na nakamamatay para sa nasabing lamang-dagat ang mahango sa tubig dahil sa sensitibo nitong sistema sa katawan.

“Fatal to take them out of the water, they suffer from carbon monoxide poisoning,” komento ng visual artist na si Niccolo Cosme sa larawan kalakip ang isang link ng article bilang suporta sa kaniyang pahayag.

“Seems harmless at first (para sa mga ignorante like you) BUT please do know na hindi dapat ginaganyan ang starfish. Pinapakealamanan mo at Pinapatay mo ang mga may buhay para lang sa selfie mo. Please be mindful naman!” segunda ng isa pa.