Usap-usapan ngayon at tila pinagtaasan ng kilay ng mga netizen ang rebelasyon ni Kapuso actor Paolo Contis na minsan na raw niyang naranasang mahuling "nagloloko" ang kaniyang ex-girlfriend sa kaniya.

Ito ang pambubuking ni Paolo sa latest episode ng “Just In" ng GMA Sparkle kung saan guests niya sina Royce Cabrera at Kokoy De Santos.

Isa sa mga napaghuntahan nila ay ang "cheating."

Nakakaloka dahil nahuli raw niya ang ex na may "katukaang" ibang lalaki, dahil sa isang photo album!

Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

“Nangyari sa akin iyan. Nagbakasyon 'yong isa sa mga girlfriend ko dati, tapos umuwi," paglalahad ni Paolo.

"Nagpadala ngayon ng photo album 'yong lalaki, parang regalo. Pagbukas ko, hindi siguro alam ng lalaki na ako 'yong magre-receive ng package. Pagbukas ko pucha, puro pictures nila na ano… sunset, naghahalikan.”

Hindi raw ito pinalampas ni Paolo at kaagad na inuntag ang kaniyang di-pinangalanang ex-girlfriend. Katwiran daw ito, photographer daw ang lalaking nagpadala sa kaniya ng photo album. Hindi naman bumenta kay Paolo ang "palusot" nito.

“Nag-alibi sa picture, hayun nalaos," ani Paolo.

Kung sinabi niyang nalaos, malamang sa malamang ay artista o celebrity din ang tinutukoy na ex ng aktor. Wala naman kasing napabalitang non-showbiz girlfriend ito.

Ang celebrities na ex naman ni Paolo ay sina Desiree Del Valle, Nancy Castiglione, Isabel Oli, Lian Paz, at LJ Reyes. Sa kasalukuyan, si Yen Santos ang kaniyang karelasyon matapos na niya itong aminin sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Kaya palaisipan ngayon sa mga netizen, sino kaya sa mga artistang nabanggit ang tinutukoy niya?