Nagdiriwang ng ika-34 kaaarawan ang komedyante at vlogger na si Brenda Mage ngayong Sabado, Marso 4.

Bumuhos ang pagbati ng masugid na followers para sa online personality.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Instant viral naman ang pagpapakilala ni Brenda sa isang Bryan Roy Tagarao sa isang Facebook post, ang kaniya pa lang Totoy version at pawang kuha pa sa dating student ID.

“Happy Birthday Langgong/Ramram Bryan Roy Tagarao aka Brenda Mage, 😁” caption niya sa viral photo.

Nasa mahigit 48,000 reactions na ang inani ng naturang larawan sa pag-uuulat.

Basahin: Komedyanteng si Brenda Mage, masayang iflinex ang naipundar niyang farm – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang naman sa nagpaabot ng pagbati kay Brenda ang TV personality na si Karla Estrada.

“Happy Birthday Roy,” mababasang komento ng verified page ng dating Kapamilya host.

Bukod dito, umabot sa mahigit 15,000 na pagbati ang natanggap na ni Brenda sa pag-uulat.

Basahin: Love life ni Brenda Mage, first time umabot ng 7 buwan, abot-abot ang pasasalamat sa dyowa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Brenda ay nakilala ng publiko matapos ang kaniyang stint sa “It’s Showtime” segment na “Miss Q&A.”

Natunghayan din ang kontrobersyal na pagpapakatotoo ng komedyante sa pagpasok sa bahay ni kuya sa sikat na “Pinoy Big Brother” noong 2021.

&t=5s